Kagubatan ay Alagaan
Ang Pilipinas ay kilala
sa kaniyang magagandang tanawin, likas na yaman tulad ng kagubatan na
nagsisilbing tirahan ng mga iba't-ibang klase ng hayop. Ang mga bahay ay
napatayo dahil sa mga punong-kahoy, ang mga tao ay may nakakain dahil sa
iba't-ibang klase ng hayop at iba't-ibang klase ng mga pagkain na nasa
kagubatan.
Sa paglipas ng maraming taon, lumaki ang populasyon ng Pilipinas at mas lumaki rin ang pangangailangan ng mga tao para sa kanilang pangangailangan para mabuhay. Dahil sa laki ng pangangailangan, maraming likas na yaman ang pinagkukunan nga hanapbuhay at isa na rito ang kagubatan.Bawat araw nadagdagan ng tao ang ating bansa at bawat araw nakikita nating ang unti-unting pagkaubos ng mga likas na yaman lalong lalo na ang mga punongkahoy sa kagubatan dahil ito ang kailangan sa pagpapatayo ng iba’t ibang tirahan o imprastraktura para sa mga tao.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgQzQEflmOvpPQLfuMBf1cB1UIdCpAzRstlkIZqfYzcHRBs9Jc0zJ7UxnPkRFJ1rfjFWlKI2s3E4-oWcrhKopFMUCSe6fHMQn_fWPAXsnGOrI8nOKc4YMYwQKZu8DXluS2QadT0Ur4WvQg/s400/jjj.jpg)
Sa unti unting pagkawala ng mga likas na yaman ay siya rin ang unti unting paghihirap ng mga tao sa bansa. Sa mga pangyayaring ito, aasahan natin na mas maghihirap ang Pilipinas kapag hindi ito ma-solusyonan. Paano ba natin ito masolusyonan? Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, tungkulin natin ang pangalagaan ang bawat pirasong biyaya na ipinagkaloob( likas na yaman) ng Diyos sa ating bansa. Ang pagiging tao ay isang responsibildad. Kung anong meron tayo yun ang dapat nating pangalagaan. Kailangan nating panagutan ang ating pagiging mamamayan pero sa halip na pangalagaan, ang ating ginawa ay abusihin at ipinagsawalang bahala ang kanilang kahalagahan. Kaya ba nating makikita ang darating na henerasayon na naghihirap? Walang may gusto sa kahirapan kundi ang kaunlaran.
“Kinabukasan ng mga Kabataan Alagaan sa Pamamagitan ng Pag- aalaga ng mga Likas na Yaman."
Bloggers:
Clint Mayormita, Dhanica Amor Duerme, Angelyn Rodriguez, April Claire Anggong, Rajiel Jane Leguro, Emman Roy Pielago
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletebruhh
ReplyDelete