Kagubatan ay Alagaan
Ang Pilipinas ay kilala sa kaniyang magagandang tanawin, likas na yaman tulad ng kagubatan na nagsisilbing tirahan ng mga iba't-ibang klase ng hayop. Ang mga bahay ay napatayo dahil sa mga punong-kahoy, ang mga tao ay may nakakain dahil sa iba't-ibang klase ng hayop at iba't-ibang klase ng mga pagkain na nasa kagubatan. Sa paglipas ng maraming taon, lumaki ang populasyon ng Pilipinas at mas lumaki rin ang pangangailangan ng mga tao para sa kanilang pangangailangan para mabuhay. Dahil sa laki ng pangangailangan, maraming likas na yaman ang pinagkukunan nga hanapbuhay at isa na rito ang kagubatan.Bawat araw nadagdagan ng tao ang ating bansa at bawat araw nakikita nating ang unti-unting pagkaubos ng mga likas na yaman lalong lalo na ang mga punongkahoy sa kagubatan dahil ito ang kailangan sa pagpapatayo ng iba’t ibang tirahan o imprastraktura para sa mga tao. Sa unti unting pagkawala ng mga likas na yaman ay siya rin ang unti unting pag...